Friday, December 31, 2010
Minamahal at Inaalala kita
Bakit ba kahit anong saway ay ayaw sumunod? Kahit na sabihin pang para ito sa ikakabubuti ng buhay ay ayaw parin? Nag-aalala na ako..ayokong mayroong mawala ng maaga, masasaktan ako lalo na't kasisimula palang ng bagong buhay ko. Ano bang problema? Nagdaramdam ba sa mga sinasabi? Marami akong tanong ngunit hindi masabi, nasasaktan ngunit hindi masabi, kagustuhan ba na mawala na? Masakit man isipin ngunit ang lahat ng bagay ay mayroong katapusan, lubusin ang oras hanggang maubos ito, gumawa ng mabuti. Kung hindi na makayanan, lumapit sa kaibigan at makakayanan ito. Alalahaning mayroong mga taong handang tumulong, narito ako! Huwag unahan ang oras pagka't marami pang nagmamahal. Huwag mawalan ng pag-asa, "may bukas pa!" maniwala ka kasabay ng pananalig sa Diyos. Makakamtan ang hinihingi sa takdang panahon, maghintay ka nalang.
Sunday, December 5, 2010
Ramdam
Nariyan ka nga ngunit parang wala ka rin. Hawak ko nga ang iyong kamay ngunit hindi naman kita maramdaman. Palaging nagkikita ngunit hindi nagpapansinan, matagal na tayong magkakilala, bakit ngayon ay parang hindi na? Gusto kong itanong "May problema ba?" ngunit 'di ka naman makausap dahil ang sagot ay laging ngiti lamang. Kapag tayo'y nagkalapit, lumalayo. Kapag naman nagkabanggaan ng tingin, umiiwas. Maski ako naiilang pero bakit naman ganito katagal kang mailang? Mahirap ba talagang hindi mailang sa akin? Sawang-sawa na akong magkunwaring hindi tayo magkakilala. Ano bang dapat kong gawin upang magkalapit tayo nang hindi nagkakaroon ng ilangan sa isa't isa?
Subscribe to:
Posts (Atom)