Thursday, March 24, 2011

Fireworks

Eksena: Di Francia Auditorium
Petsa: ika-7 ng Marso 2011

Kinakabahan ako. Gusto kong umawit ngunit nahihiya ako..itong suot kong damit, ang ikli pero bagay naman raw sa akin sabi ng aking nanay. Pati raw, bagay sa kakantahin ko. Nakahikaw pati ako, yung magara at pang sosyal, yung heels ko pati..ang taas! Ano kaya ang itsura ko kapg nasa unahan na ako? Ayan na,tinatawag na nila ang pangalan ko..aakyat na ako sa stage. Natugtog na ang minus one, magustuhan kaya nila ang pag-awit ko? Nakatingin silang lahat sa akin, nakakakaba. Tinignan ko ang mga guro sa aking harapan, seryoso ang mga mukha nila. Hinihingal ako dahil sa kaba, makanta ko kaya ito ng ayos? Sana oo. Eto na..'Cause baby you're a firework, come on show them what you're worth! Make them go oh,oh,oh! As you shoot across the sky...nagdilim at biglang umilaw..iba't iba ang kulay ng mga ilaw. Nagsisigawan at nagsasaya ang mga tao..Para akong nagco-concert sa Araneta. Grabe! Ang saya ko! Nagwawala. Nagwawala. Nagsasaya. Baby you're a firework, come on let your colors burst! Make them go oh, oh, oh! You're gonna leave fallin' down.. Madilim. Wala akong makita. Tanging mga hiyaw lamng ng mga estudyante ang naririnig ko, sumasabay sa kinakanta ko. May nakita akong liwanag, flash ng camera! Kinuhanan ako ng litrato ng kaklase ko. (Ia-upload niya kaya iyon sa facebook?) Adik ako. Ayan na. Mataas na ang tono..ah! Sumabit yung boses ko. Nakakatawa, natawa ako sa sarili ko. Pero tuloy lang! Napatungo ako't tumabon ang buhok ko sa mukha ko, itinaas ko ang aking ulo't inayos ang aking buhok. Bagay naman, timing ang pagkakamali ko. Boom!Boom!Boom! Even brighter than the moon, moon, moon! Boom!Boom!Boom! Even brighter than the moon, moon, moon! Ayos! Tapos na, nakahinga na ako ng maluwag. Masaya ang mga tao. Nagustuhan nila, salamat po Lord! Ngunit kahit alam kong ayos naman sa piningin ng iba, nahihiya ako. Iba kasi ang pagkakakilala nila sa akin. Sana'y hindi mag-iba ang tingin nila sa akin. 

Pagkatapos kong umawit, bumalik na ako sa aking upuan sa likod. At habang papunta ako sa likod, ang daming sumasalubong sa akin. "(pangalan ko) ang galing mo!!" "Grabe nagwala talaga 'to sa stage!" " Naks! Performance level!" At pag-upo ko sa upuan, may isa pang kumausap sa akin.."Mataas pala yung boses mo..soprano, bakit hindi ka sumali sa Glee Club?" sumagot ako" Theatre Club ako e..'yon yung napili ko."


Eksena: Sa C.R ng babae katabi ng Auditorium sa school. (1st floor)

Nasa loob ako ng isang cubicle sa C.R. Nagbibihis ako ng uniporme ko dahil uwian na. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng ganito ang suot, sigurado akong papagalitan ako ni Sir *toot* pagnakita niya akong pagalagala sa loob ng campus ng ganito ang suot. May narinig akong babae. Itago natin siya sa pangalang Jn.

Jn: Ang galing talaga ni (pangalan ko)!! Gonzalez din 'yon, iba nga lang yung ispeling. "z" ung dulo ng Gonzales niya...ako "s".
 Kaibigan ni Jn: O, tapos? 'Di naman pala kayo magka anu-ano e.
Jn: Ano, siguro ano ko siya..pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan ko!
 Kaibigan ni Jn: Ay! Ewan ko sa'yo! Luka-kuka ka talaga.
Jn: Basta! Ang galing talaga niya!

Alam ba niya na nandito ako? Sinasadya niya kaya 'yon o hindi? A basta! Atleast, naipamahagi ko sa iba ang aking talento! Iyon ang mahalaga. Ngayon, halos buong 1st year, ang tawag na sa akin ay "Fireworks" o "Katy Perry".

Wednesday, March 23, 2011

Ang Pumaslang

Isang maaliwalas na umaga ang sumalubong sa amin ng kaibigan ko. Masaya kaming nagkekwentuhan at nagtatawanan. Naglakad kami patungo sa kawalan, sumakay kami sa aming sasakyan kasama ang aking mga magulang. Hanggang doon ay maayos pa ang kalagayan namin ngunit nang sumapit kami sa aming eskwelahan, nang pauwi na kami ay nag-iba ang aking kaibigan. Masama ang tingin niya sa akin. Nanlilisik. Nakakatakot. Nang pasakay na ako sa aming sasakyan ay may nakita akong papel sa aking upuan, "PINATAY MO AKO!" nakasulat sa papel. Umisod ako't natakot sa nabasa. Niyaya ko ang aking kaibigang sumakay na sa sasakyan ngunit kumaway lang siya sa akin ng walang anumang ekspresyon ang mukha. Wala ngang ekspresyon ngunit mukhang patay ang kanyang itsura. Nakakatakot. Nawala ang papel sa aking upuan. Kinabukasan, tumambad sa telebisyon, radyo, at mga pahayagan ang pagkamatay ng isang dose anyos na babae. Ang aking kaibigan! Nalungkot ako sa nangyari't napaluha. Bakit ito nangyari sa kanya? At sinasabi ng mga tao ay ako ang pumatay sa kanya. Kinabahan ako kahit na alam ko na wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya. Natulog ako.

Kinabukasan, nagising ako. Naulit ang mga pangyayari, buhay muli ang aking kaibigan. Masaya muli kami, hindi pa siya namamatay. Tumungo kami sa aming eskwelahan at wala ang aking mga magulang, wala ring sasakyan at parang regular lang na araw sa eskwela ang aming natutunghayan ngayon. Mayroon raw kailangang sauluhin na piyesa ang aking kaibigan at tinulungan siya ng aming kaklaseng lalaki. Pagkatapos niyon ay sa akin naman siya nagpatulong. Napansin kong sinusundan kami ng aming kaklaseng lalaki kasama ang iba pa niyang mga kabrkada. Kahit saan kami magtungo ay sinusundan kami. Natakot na ako, ano ba ang kailangan niya sa amin? Sinundan nila kami hanggang makarating kami sa harap ng kapilya ng aming eskwelahan. Tinignan ko ang ang kaibigan, natatakot ang itsura niya at ang kaklase ko namang lalaki ay parang mayroong masamang balak sa aking kaibigan. Hinila niya ang braso ng aking kaibigan at nagpumiglas ito. Ngunit makalipas ang ilang segundo..biglang dumilim ang paligid. Nagising akong mayroong kabang nararamdaman. Nakakatakot.

Sino ngayon sa tingin ninyo ang pumaslang sa aking kaibigan ayon sa aking panaginip?