Sunday, June 24, 2012

Patawad Ako'y Natitigilan

Sa bahay pa lamang ay pinaghahandaan ko na ang mga bagay na sasabihin sa iyo kinabukasan ngunit sa pagdating naman ng kinabukasang hinihintay ko, bigla na lamang akong panghihinaan ng loob. Kaya't sa pag-uwi ko mula sa eskwela, gagawin muli ang nakasanayan...ang paghandaan ang aking mga sasabihin sa iyo kinabukasan. Heto na ang araw na hinihintay ko...eto na ang pagkakataon, katabi na kita, magkalapit na tayo, sasabihin ko na...

DUG!DUG!DUG!

Ang lakas ng tibok ng aking puso..."Raf--" naudlot ang aking sinasabi. Natigilan muli ako. Hay! Nakakainis naman!! Nauutal ako kapag andiyan ka na. Umuurong ang dila ko. Para akong sira, di ko masabi yung napakasimplempleng salita na "Patawad." Ang hirap kasi, naiilang ako sa iyo, bakit ko pa kasi iyon sinabi sayo e pwede namang hindi. Yan tuloy naipit tuloy tayo sa ganitong sitwasyon. Mahirap kasi may ilangan. Tama nga ang kasabihang.."May ibang mga bagay na dapat hindi na sinasabi." At ayun na nga iyon, yung sinabi ko sayo, dapat tinago ko nalang.

Tumayo ka at umalis papunta sa isa mong kaibigan. Ayan, sinayang ko lang ang pagkakataon. Sana nasabi ko na ngunit inunahan na naman ako ng kaba. Patawad talaga, patawad...Eto nalang ang masasabi ko...patawad. Pakiramdam ko kasi'y wala ka na. Nawala ka na sa akin..

SAKLAP TALAGA OH!

Maghahanda muli ako para bukas, at sana masabi ko na sa iyo...sana di na ako mautal, kabahan, kasi wala ka namang pinagbago. Ikaw parin naman yung kaibigan ko noon at ngayon. Sana talaga masabi ko na sa iyo, para magbalik na tayo sa dati.

No comments:

Post a Comment