Wednesday, October 27, 2010
Kaakap
Isang gabi nang ako'y naiglip, mayroon akong nakitang isang babaeng nag iisa, nakatayo sa di kalayuan, nakasuot ng pulang blusa at maong na pantalon. Sinubukan ko siyang lapitan, habang ako'y lumalapit sa kanya, lumalapit din siya sa akin. Sinubukan ko siyang hawakan sa braso pero nagkasalubong ang aming mga kamay. Natagpuan ko nalang ang sarili kong tinitignan ang sarili sa isang napakalaking salamin. "Repleksyon ko pala iyon!" sabi ko. Habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin, bigla kong naramdaman na may umakap sa akin. Hindi ko nakita ang kanyang repleksyon sa salamin. Nakakagulat! Pinagmasdan ko ang kanyang braso, maputi at may suot na itim na bracelet na may pula sa gilid. "Katulad to nung sakin a!" sabi ko. Pero walang imik ang umakap sakin, basta alam kong lalaki siya ngunit di ko nga lang kilala kung sino. Hanggang ngayon palaisipan parin sakin ang lalaking yon. Oo, palaisipan parin dahil matagal ko na itong napanaginipan. Siguro, 3 years ago na kasi grade 4 ako nang akin itong mapanaginipan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment