Yung ibang estudyante, nagsasaya dahil iyon naman dapat talaga ang dapat ginagawa pero yung iba, nakaupo doon sa may sulok at nagdadrama, yung iba pa nga ay umiiyak dahil sa hindi sila isinayaw ng mga gusto nila, dahil sa iba yung sinayaw ng mga taong gusto nila, sa madaling salita, nagseselos sila sa kasayaw ng mga gusto nila. Sa isip ko sinabi ko, "Bakit naman sila magseselos, e hindi naman nila kasintahan yung iniiyakan nila at dinadramahan. Mabuti sana kung sila na nung taong dinadramahan nila, maiintindihan ko pa. Pero kung katulad nito yung sitwasyon, parang..wala namang karapatang magselos yung taong yun, kasi hindi naman sila e. (Babae yung tinutukoy ko a) Alam kong sa mga sitwasyon na ganito, lalaki dapat ang nagyayaya pero kung gusto talaga nila iyong maisayaw, sila ang magyaya. Kailangan lang naman doon, lakas ng loob at kapal ng mukha...tulad ko! HAHA!"
Saturday, October 30, 2010
Drama sa Party
Kahapon ay nagkaroon ng Party sa aming eskwelahan. Bale, isa iyong pagdiriwang ng all saints day. Nagkaroon doon ng patimpalak na Look-alike-Saint. Kung saan kailangang iarte ng mga kalahok ang talambuhay ng Santang ipinoportray nila sa loob ng 10 minuto. Nagkaroon ng performance ang glee club, theater club at dance troupe. Dinaos narin doon ang awarding ng tatlong nanalong kalahok sa patimpalak na battle of the bands. At kung ipinamalas ng mga estudyanteng ito ang kanilang talento sa pag kanta't pagsayaw, syempre hindi naman pahuhuli ang ating mga iginagalang na mga guro. Ang saya talaga ng kahapon lalo na noong sumapit na ang gabi. Nagkaroon ng sayawan at sinasabi ko sayo mararamdaman mong para kang nasa isang disco house ngunit dito ay may mga patakaran kang dapat sundin. Bawal magsayaw ng grupo-grupo dahil dito raw madalas nagsisimula ang mga ayaw at sa slow dance naman kailangan ay 2 ft ang pagitan ninyo ng kasayaw mo dahil bawal ang PDA (Public Display of Affection). Strikto ang mga prefect of discipline sa aming eskwelahan, hangad talaga nila ay disiplina para sa mga estudyanteng nag-aaral doon sa eskwelahang iyon. Pero kahit na ganoon ay naging masaya naman ako dahil nakasayaw ko yung taong hinahangan ko at sa unang pagkakataon ay nakapagwala ako sa dance floor! Daig ko pa ang isang hayop na nakawala sa kanyang selda...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Patawad nalang sa mga matatamaan,opinyon ko lang ito..kung mabasa nyo man ito at masaktan kayo,sana ay maintindihan nyo kung ano ang nais kong iparating sa inyo. Huwag nyo po sanang mamasamain ang opinyon kong ito. Maraming salamat po.
ReplyDelete