Noong isang buwan, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib, nahihirapan ako sa paghinga, hindi ko alam kung ano ang dahilan at nangyayari iyon sa akin. Kinabahan ako dahil baka kung anong sakit na ang meron ako. Noong mga panahonng ding iyon, ilang araw na wala ang isa kong kaklaseng lalaki dahil nagkasakit siya. Medyo matahimik ang aming silid ng ilang araw kasi wala siya, medyo malungkot din ako kasi isa siya sa mga taong nagpapasaya ng araw ko. Sabi ng iba kong kaklase, baka raw dahil sa wala lang siya kaya naninikip ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga. Pinatulan ko ang biro sabi ko "Oo nga! Siguro kaya 'to nangyayari kasi wala siya...miss ko na siya..." tapos sabay tawa. Ngunit sa kabila ng panandaliang kasiyahan, nasasaloob ko parin ang matinding kaba. Lumapit ako sa aking best friend at sinabi ko sa kanya ang matinding kaba na nararamdaman ko. Sabi niya, huwag daw akong kabahan dahil sigurado siyang wala akong sakit. Pagkatapos kay best friend ay pumunta naman ako kay espren para sabihin sa kanya ang sinabi ko kay best friend. Oo, iba pa ang best friend ko sa espren ko dahil babae si best friend at lalaki si espren. Weird noh?
Sige, balik na tayo sa itsorya ko. Dumating ang Sabado, nagpatingin kami ng nanay ko sa doktor, sabi ng doktor wala daw akong sakit, mayroon lang daw nababanat na muscle kaya naninikip ang dibdib ko. Dumating ang Lunes, masayang masaya kong ibinalita ang resulta ng aking pagpapatingin sa doktor. Sobrang saya ko't wala akong sakit at kasabay niyon ay pumasok na muli ang kaklase kong nagkasakit ng ilang araw. Inobserbahan ko ang buong linggong iyon, tinignan ko kung muli bang maninikip ang dibdib ko, pero wala. Wala na akong naramdamang sakit simula nang pumasok muli ang kaklase kong iyon. Hanggang ngayon, hindi pa muling bumabalik ang paninikip ng aking dibdib. Sana nga'y huwag na itong bumalik kailanman dahil mahirap, pinag aalala ko ang mga tao sa paligid ko. Oo, totoong namiss ko yung kaklase kong iyon dahil nakakabingi ang sobrang katahimikan lalo na kung wala siya...Hindi ko alam kung coincidence lang 'yon o talagang itinakdang mangyari.
No comments:
Post a Comment